Saturday, April 9, 2011

Sana One Year Na!

" kung talagang para sa iyo ang isang tao, mawala man siya ng mahabang panahon, magkikita at magkikita pa kayo, kapag tama na ang mali at pwede na ang hindi...."-  My friend quoted. 

.... and my reply....

Kahit sa panahon na pinagtagpo kayo ulit, akala mo meron pa pero wala na pala.
Sa pagkakataon na hinantay mo yung sandali na iyon, dun mo lang pala masasabi na yung dating
kayo ay wala na.  Hindi mo na maibabalik kahit pilitin pa.
Totoo pala yung pag tapos na...tapos na. Pag tuyo na ang damdamin- tuyo na.

Sa sandaling iyon...tititigan mo na lang siya at sasabihin sa sarili mo na siya yung dati mong minahal.
Matutulala ka na lang sa kanyang mukha dahil sa kung anumang dahilan ang tanging mong maiisip ay kung bakit wala ka nang nararamdaman; Na siya yung dating mong iniiyakan..tinatanong mo ang sarili mo kung bakit ka niya iniwan....
Sa sandaling iyon maaalala mo lahat ng sakit, pero parang wala na yung sakit.

Sa mga sandaling iyon, maaalala mo na siya yung dati mong kasa-kasama, dati mong katawanan, kaiyakan, karamay...
gusto mo siyang yakapin sa sandaling iyon pero wala na...ayaw mo ng umasa muli...ayaw mo nang buksan ang nakaraan kasi hindi niya alam yung pinagdaanan mong sakit....
Sakit na dinarasal mo na sana maalis na...
Sakit na bakit sayo pa...sayo pa na nagmahal ng lubusan.
Sakit na tinatanong mo ang sarili mo bakit ka pa nagising sa bawat araw na sisikat.
Sakit na alam mo sa sarili mo na makakabangon ka ulit pero sana ngayon na....wag na bukas o sa susunod na araw.
Sakit na nakikita mo ang sarili mo na lumulubog sa kawalan at pilit mong kinukumbinsi ang sarili mo na okay ka pero hindi.
Na sana nakikita niya at nararamdaman niya ang iyong pinagdadaanan.

Sa mga panahong pinagtagpo kayo ulit. Pasasalamatan mo yung panahon na iyon dahil dun mo lang malalaman na wala na talaga.  Na yun lang pala yung pakiramdam...wala na.

Nasabi ko na sa sarili ko na sana one year na. Ano kaya ang mararamdaman ko after 1 year nang paghihiwalay namin?  Darating rin pala yung ika 1 year na hinihintay ko at....sa pagkakataon na iyon madami na palang nag-iba.  Pati ako nagiba na. Wala na talaga. 

No comments:

Post a Comment